Natunton ng awtoridad ang mga suspek sa likod ng naganap na pandurukot sa isang negosyante at caretaker nito sa Dagupan City, Pangasinan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nakatakdang makipagkita ang dalawa sa nagpanggap na mga buyer ng lupa bagamat bigong makabalik ang mga ito.
Itinawag pa ng negosyante sa kanyang asawa ang pagkakadakip sakanila.
Agad na nakipag-ugnayan ang asawa ng biktima sa Anti-Kidnapping Group (AKG) Luzon Field Unit upang matunton ang lugar na pinagdalhan sa kanila.
Naunang nahuli ang tatlong suspek na pawang mga residente ng Ifugao at Nueva Vizcaya at saka naman sunod na naitimbre ang dalawa pang sangkot sa krimen.
Ayon kay Nueva Vizcaya PPO PIO Major Nova Lyn Aggasid, inamin umano ng isang suspek na pulis ang partisipasyon nito sa kidnapping dahil sinabi pa nito ang kanilang mga pinanggalingan.
Narekober mula sa mga suspek ang isang unit ng rifle, isang short firearm, mga PNP Uniforms at dalawang PNP ID. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments