Nanawagan ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng hazard pay para sa mga empleyado ng barangay ngayong may pandemya.
Batay sa listahan ng Department of Budget and Management (DBM) hinggil sa kompensasyon at benepisyo ng mga opisyal ng barangay, hindi sila entitled sa hazard pay.
Ayon kay DILG Undersecretary Martin Diño, dapat ding isipin na nalalagay rin sa alanganin ang kalusugan ng mga barangay workers tulad ng iba pang frontliners.
Aminado ang DILG na malaki ang pagkukulang ng national government sa mga empleyado ng barangay, bagamat naisama naman sila aniya sa mga benepisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP) para tumanggap ng pinansyal na ayuda.
Facebook Comments