Negosyanteng wanted sa lalawigan sa Quezon, nahuli

33

Arestado ang isang 45-anyos na negosyante na Number 4 Most Wanted Person sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Sariaya PNP sa Sitio Pulo, Brgy. Manggalang 1, Sariaya, Lalawigan ng Quezon.

Kinilala ang naarestong suspek na si Enrico Rosales Serenilla, alyas ‘Barok’ na may kasong murder matapos na pagsasaksakin at mamatay ang isang Leandro Ebora Manigbas noong taong 1999.

Sa ulat ni Quezon Police Provincial Director Colonel Audie Madrideo, bitbit ang warrant of arrest ay inaresto ang suspek sa kanyang tinutuluyan sa Sariaya, Quezon.

sa ngayon ay nakakulong na sa Sariaya Municipal Police Station Custodial Facility ang suspek.

Facebook Comments