Hindi kailanman ginamit ng administrasyon ang 1992 agreement ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa University of the Philippines (UP) bilang palusot para mag-deploy ng puwersa ng Philippine National Police (PNP) para sa crackdown nito laban sa illegal recruitment ng mga rebeldeng komunista sa loob ng campuses.
Matatandaang noong January 20, ipinaliwanag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ang pagpapawalang bisa sa 1989 accord nila sa UP ay hindi pag-atake sa unibersidad, pero nagiging kuta na ito ng mga kalaban ng estado.
Ayon kay Interior Spokesperson Jonathan Malaya, kung ito ang ibinabatong alegasyon sa DILG ay dapat ginaya na rin nila ang ginawa ng Department of National Defense (DND) na ipinawalang bisa ang kanilang kasunduan sa unibersidad.
Dapat aniya magkaroon ng dayalogo rin ang DILG at UP para pag-usapan ang kanilang 1992 accord.
“If the University of the Philippines management can prove and can commit and prove that the existing security arrangements at the university are enough and sufficient then there is nothing to talk about. In so far as the security (inside the UP campus) is concerned,’’ sabi ni Malaya.
Nitong February 6, nangako ang DILG at UP na magsasagawa ng malalimang review sa 1992 agreement para matiyak na ang seguridad sa lahat ng UP campuses ay hindi makakaapekto sa academic freedom at right to free speech at assembly.