DILG , iginiit sa Makabayan bloc na RA 9851 ang naayong legal framework para papanagutin ang CPP-NPA sa landmine attack sa magpinsang Absalon

Ipinahayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ang Republic Act No. 9851 o ang Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity ang tamang legal frame work na gamitin upang papanagutin ang Communist Party of the Philippines sa landmine attack kina Keith at Nolven Absalon sa Masbate.

Nauna nang sinopla ng DILG ang pagtatangka ng left-wing na Makabayan bloc na papaniwalain ang pamilyang Absalon na posibleng makakuha ng hustisya.

Ito’y sa pamamagitan ng paghahain ng reklamo laban sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa pamamagitan ng joint monitoring committee gamit ang Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Laws (CARHRIHL).


Sa ilalim aniya ng RA 9851, ang mga regional trial court ay itinalaga na ng Supreme Court na hawakan ang mga war crimes katulad ng krimeng nangyari sa Masbarte.

Facebook Comments