DILG, ikinatuwa ang paglagda ng pangulo sa EO na nagbibigay ng death and burial benefits para sa Indigenous Peoples na nanilbihan sa mga barangay

Ikinagalak ng pamunuan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang paglagda ng pangulo sa Executive Order na nagbibigay kaloob ng death and burial benefits para sa Indigenous Peoples Mandatory Representatives (IPMR) sa mga barangay na nasawi sa kanilang termino sa opisina.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año, ang EO 139 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay nagbibigay ng malaking tulong at pagkilala sa kahalagahan ng papel na ginagampaann ng Indigenous Peoples Mandatory Representatives sa Barangay Policy-Making and Governance sa pamamagitan ng pagbibigay ng benepisyo gaya ng sitwasyon ng kahalintulad na mga barangay officials.

Nagpapasalamat din si Año kay Pangulong Duterte sa pagkilala sa malaking kontribusyon ng IPMRs sa mga barangay sa pamamagitan ng paglagda nito sa EO 139 kung saan tinitiyak ng kalihim na maipatutupad ang EO at makatitiyak ang mga indigenous persons na makatatanggap ng sapat na benepisyo.


Paliwanag ng kalihim, ang trabaho ng IPMR ay bumalangkas ng Indigenous Peoples Agenda kasama ang komunidad at magsagawa ng regular meetings sa mga IP elders o leaders o buong komunidad kung saan maaari din silang gumawa ng mga ordinances at resolutions at magsagawa ng committee hearings na layong ma-promote at protektahan ang kapakanan ng kanilang komunidad kabilang ang Local Government Unit (LGU) na taunang pondo na maipatutupad ang mga programa at proyekto na may kaugnayan sa komunidad.

Sa ilalim ng EO, ang DILG sa pakikipag-ugnayan sa Department of Budget and Management (DBM) at National Commission on Indigenous Peoples ay direktang malalaman ang halaga ng kailangang saklaw sa death and burial benefits ng IPMRs sa mga barangay.

Facebook Comments