DILG, inatasan ang LGUs at PNP na siguruhin na ligtas ang campaign season

Ipinag-utos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Local Government Units (LGUs) at sa Philippine National Police (PNP) na istriktong ipatupad ang allowable at prohibited election-related activities.

Kasunod ito ng nalalapit na pagsisimula ng campaign period sa February 8 para sa May 2022 election.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, kailangang tutukan ng LGUs at PNP ang pagtitiyak na magiging ligtas ang ang panahon ng kampanya.


Aniya, dapat din matiyak ng mga ito na nasusunod ang minimum public health standards na alinsunod sa umiiral na alert level.

Maliban dito, inatasan din ni Año ang PNP na panatilihin ang kaayusan at seguridad sa kasagsagan ng anumang election-related campaigns, katuwang ang barangay officials, tanods, at Barangay Health Emergency Response Teams (BHERT).

Nauna nang sinabi ng kalihim na dapat ding mag-adopt ang LGUs ng mga hakbang at istratehiya para makasunod sa Commission on Election (COMELEC) resolution at umiiral na polisya.

Facebook Comments