Iniutos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na pangunahan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang pag-iimbestiga at pagsasampa ng kaso sa balikbayan na galing America na hindi dumaan sa quarantine.
Ito ang kinumpirma ni PNP Chief Police General Dionardo Carlos matapos na ang iutos ni DILG Secretary Eduardo Año na tutukan ng PNP ang insidente.
Sasampahan ng kaso ng CIDG si Gwyneth Chua na quarantine violator, ang may-ari ng Berjaya Hotel sa Makati at mga tauhan ng Bureau of Quarantine.
Mahigpit dapat na tinatapos ang period ng quarantine para maiwasan ang hawahan ng COVID-19.
Upang maiwasan maulit ang insidente, sinabi ni Carlos na magsasagawa sila ng inspeksyon sa mga designated hotel quarantine facilities at sinumang may paglabag ay sasampahan ng kasong criminal.