DILG, inilabas ang listahan ng limang alkalde na sumingit para magpaturok ng COVID-19 vaccine

Umabot sa limang alkalde ang pinagpapaliwanag na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) dahil sa pagsingit sa pagpapabakuna kontra COVID-19.

Sa inilabas na listahan ni Usec. Epimaco Densing III, kabilang sa iisyuhan ng show cause order ay sina Tacloban City Mayor Alfred Romualdez na nabakunahan noong March 22, 2021, T’buli South Cotabato Mayor Dibu Tuan na nabakunahan noong March 19, Sto. Nino South Cotabato Mayor Sulpicio Villalobos na nabakunahan noong March 19, Legaspi City, Albay Mayor Noel Rosal na nabakunahan noong March 16 at Bataraza, Palawan Mayor Abraham Ibba na nabakunahan noong March 22.

Ani Densing, aalamin nila kung bakit hindi sumusunod sa guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga nabanggit na alkalde gayong hindi naman sila mga healthcare workers.


Nagtataka si Densing kung bakit sinusuway ng mga alkalde ang guidelines gayong alam naman nila ang kaparusahan para dito.

Facebook Comments