Korte Suprema, pinalawig ang kautusan para bawasan ang pumapasok sa mga hukuman sa NCR Plus bubble hanggang Abril

Pinalawig pa ng Korte Suprema ang kautusan nito na 30% lamang ng mga tauhan sa 1st at 2nd level courts sa National Capital Region (NCR), Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Mula sa dating March 31, hanggang April 16 na epektibo ang kautusan ni Court Administrator Jose Midas Marquez na pagtatalaga ng 30% skeletal force.

Sakop nito ang lahat ng Regional Trial Courts, Metropolitan at Municipal Courts sa apat na lalawigan at NCR.


Ang mga hukom din sa limang lugar na sakop ng NCR Plus bubble ay pinapayagan na gumamit ng videoconference sa kanilang mga pagdinig kahit walang paunang permiso mula sa tanggapan ng Court Administrator.

Facebook Comments