Kumpiyansa ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na kahit 15,000 lang ang ibinalik na contact tracers ngayong taon ay hindi nito maaapektuhan ang hindi pahihinain ng contact tracing capacity ng gobyerno.
Sinabi ni DILG Undersecretary and Spokesperson Jonathan Malaya na may sapat pa ring contact tracers sa buong bansa kahit hindi ibalik ng ahensya ang naunang 50,000 na kinontrata nito.
Wala aniyang dapat ipangamba dahil mayroon nang naka-deploy na halos 200,000 contact tracers sa buong bansa na tututok sa mga COVID-19 cases sa mga lokalidad.
Aniya, ang rehiring ng 15,000 ay may layunin lang na makatugon sa Department of Health (DOH) standards para sa 1:800 contact tracer to population ratio.
Facebook Comments