DILG, LGU, BFP AT PNP, pinaigting pa ang koordinasyon para sa response operation sa Binaliw Landfill sa Cebu

Mas pinaigting pa ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Local Government Unit (LGU), Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine National Police (PNP) ang kanilang koordinasyon para sa response operation sa Binaliw Landfill sa Cebu na ikinamatay ng 11 indibidwal.

Ang ground operations ay kinabibilangan ng close coordination sa mga local government, national agencies, local responders at volunteer groups.

Ito ay para siguruhin ang organisado at ligtas na pagresonde sa mga nawawala pang indibidwal matapos gumuho ang landfill.

Patuloy pa rin ang search, rescue at retrieval efforts na pinangungunahan ng BFP katuwang ang LGU responders at volunteers.

Sa kabila ng mapanganib na kondisyon dahil sa unstable debris at site hazards, patuloy pa rin ang operasyon at mahigpit na sinusunod ang safety protocols.

Tiniyak naman ng DILG ang suporta sa Cebu City Government sa pamamagitan ng koordinasyon, operational guidance, at inter-agency linkage para siguruhing ang response efforts ay nananatiling organisado, accountable at responsive sa pangangailangan ng apektadong komunidad.

Sa ngayon, nasa 12 indibidwal na ang matagumpay na nailigtas, 67 ang nailikas sa lugar habang 28 na indibidwal ang nanatiling unaccounted.

Facebook Comments