DILG, nagbabala sa mga LGU laban sa mga scammer na nag-aalok ng tulong para maka-access sa P13-B LGSF-FALGU fund

Pinag-iingat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan laban sa mga scammer o indibidwal na nag-aalok ng tulong upang maka-access ang mga Local Government Unit (LGU) sa P13 billion na pondo na laan para sa local development at infrastructure projects na bahagi ng economic stimulus program ng gobyerno.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, nakatanggap sila ng mga report na may mga scammer ang nag-aalok ng serbisyo sa mga LGU para mabilis na mapa-facilitate ang access sa Local Government Support Fund-Financial Assistance to Local Government Units (LGSF-FALGU) kapalit ng komisyon o bayad.

Pinayuhan ng DILG chief ang mga LGU na huwag makipag-transaksyon sa mga fixer, scammer, o third-party entity sa halip ay makipag-ugnayan sa mga Regional Offices ng Department of Budget and Management (DBM).


Naglaan ang gobyerno ng P13.586 billion para sa LGSF-FALGU fund ngayong taong 2021.

Mayroon nang 319 LGUs ang aprubado nang makapag-avail ng P2.93 billion.

Tiniyak ng kalihim na ang mga indibidwal o grupo na ito ay mapaparusahan ayon sa ating batas.

Facebook Comments