DILG, naglabas ng 140 show cause order laban sa mga tiwaling barangay officials

Nag-isyu ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng 140 show cause order laban sa mga tiwaling barangay official dahil sa paglabag sa iba’t-ibang quarantine protocols at Social Amelioration Program (SAP).

Ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin DIño, nakakaalarma ang natatanggap nilang reklamo hinggil sa SAP.

Partikular aniya ang paghahati ng cash aid at paghihingi ng processing fees na nagkakahalaga ng hanggang 2,000 pesos.


Aminado siya na sa kaliban ng mga paulit-ulit na paalala ay marami pa ring barangay official ang gumagawa ng katiwalian.

Sinabi ni DIño na binabantayan na ng ahensya ang kahandaan ng mga barangay sa pamamahagi ng second wave ng cash assistance.

Binanggit din ni Diño na handa ang mga barangay na tumulong sa mga sundalo at pulis sa SAP Distribution sa mga isolated at remote areas, at sa mga lugar na may problema sa peace and order.

Sa kabila nito, naniniwala ang DILG na marami pa ring barangay sa bansa ang tumatalima sa pamahalaan.

Facebook Comments