DILG, nakiisa rin sa PinasLakas Special Vaccination Day; mahigit 6 libong personnel, naturukan ng booster shots

Abot sa 6,140 employees mula sa Central and Regional Offices ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang nabigyan ng COVID-19 booster shots.

Ito’y bilang pakikiisa ng kagawarn sa Bakunahang Bayan: PinasLakas Special Vaccination Day na may layong mas palawakin ang maabot ng COVID-19 booster vaccination rate sa bansa.

Ayon kay DILG Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr., kabilang sa tumanggap ng booster shots ay mga kawani ng DILG Region XII sa Koronadal, South Cotabato.


Nasa 1,026 personnel sa Central Office habang 5,114 sa Regional Offices ang nabakunahan.

Nitong September 27, 2022, nasa 73 million individuals ang nakakumpleto na ng kanilang primary vaccine series.

Samantalang 19.3 million individuals naman ang tumanggap ng COVID-19 booster doses.

Ang National Capital Region (NCR) ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng nakatanggap ng booster shots na nasa 5,089,242.

Sinusundan ito ng CALABARZON- 3,098,816 at Central Luzon -2,635,869.

Facebook Comments