6 NA NATITIRANG KOMUNISTANG TERORISTA, SUMUKO NA

23
Sumuko ang anim na natitirang komunistang terorista dala ang 6 na matataas na armas sa Brgy. Zamora, Talacogon, Agusan del Sur.

Kasunod ng pagsuko ng pinakamataas na pinuno ng Platoon Banglas, Sub-Regional Committee 3, at ng North Central Mindanao Regional Committee, ay anim pang miyembro nito ang tuluyan ng sumuko kasama ang mga armas na binubuo ng tatlong AK47 rifles, dalawang M16A1 rifles, isa Garand rifle kasama ang mga magazine, at mga bala.

Pinuri ng pamunuan ng Army ang 26IB sa kanilang walang humpay na pagsisikap na nagresulta sa boluntaryong pagsuko ng mga natitirang miyembro ng Communist Terrorist Group sa Agusan del Sur.

Facebook Comments