DILG, nanindigan sa posisyon nito sa revival ng anti-subversion law

Manila, Philippines – Nanindigan si Interior Secretary Eduardo Año na dapat nang buhayin ang anti-subversion law upang matuldukan na ang ilang dekadang problema sa armadong pakikibaka ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Sa isang kalatas pambalitaan, sinabi ni Año na marami pa ang kailangang gawin upang wakasan ang digmaan.

Ani Año, mahina kasi ang ngipin ng ipinasang Human Security Act kung kaya at kung maipasa ang bagong anti-subversion law, mapipigilan na ang nangyayaring recruitment ng mga kabataan para maging mandirigma ng NPA.


Batay sa datos, nasa 500-1,000 na kabataan ang nare-recruit sa NPA kada taon sa pamamagitan ng mga communist front organizations sa mga eskwelahan at kolehiyo.

Gusto ng kalihim na ideklarang illegal organizations ang mga grupo na sumusuporta sa CPP-NPA-NDF na nangangahulugang kriminal na pagkakasala ang pagmiyembro rito.

Makikipagtulungan naman aniya ang ahensya sa Kongreso sa pagbalangkas ng bagong batas upang matiyak na ang mga probisyon nito ay gagarantiya sa karapatan ng bawat mamamayan sa malayang pamamahayag at pagbuo ng samahan.

Facebook Comments