Nilinaw ng Department of Interior and Local Government (DILG) na walang karapatan ang mga barangay na maglagay ng checkpoint sa kanilang mga nasasakupan.
Ito ay sa gitna ng banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa buong bansa.
Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya, kailangan muna nilang makipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP) ukol dito.
Dagdag pa ni Malaya, hindi alam kasi alam ng mga tanod ang mga guidelines na inilabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) kaya dapat silang magpatulong sa PNP.
Hindi naman masama, aniyang, maging maingat ang lahat sa kanilang nasasakupan pero kailangan pa ring sumunod sa mga panuntunan sa mga hakbang na ginagawa laban sa COVID-19.
Facebook Comments