Naghahanap pa ng karagdagang 2,000 contact tracers ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Quezon City.
Itinakda ang deadline ng paghahain ng aplikasyon sa October 18 sa DILG-Quezon City.
Kasama sa requirements na isusumite ng applicants ay ang letter of intent, personal data sheet, NBI clearance at drug test result.
Kailangang tapos ng kurso na may kaugnayan sa medisina at criminology.
Lahat ng makukuhang contact tracers ay itatalaga sa contact tracing team ng City government na tutulong sa mga close contact ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa lungsod.
May nauna nang 700 bagong contact tracers ang itinalaga ng DILG sa LGU pero hindi pa rin sapat ang kanilang bilang sa pangangailangan ng lokal na pamahalaan.
Facebook Comments