DILG, sinabing hindi titigil ang gobyerno na makuha ang hustisya kasunod ang pagpapauwi kay dating Congressman Arnolfo Teves

Inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi titigil ang gobyerno na makamit ang hustisya matapos ang pagpapauwi kay dating Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. mula sa Timor-Leste kung saan ito nanatili sa loob ng dalawang taon.

Ayon sa DILG, ang hakbang na ito ay nagpapakita ng determinasyon ng mga law enforcement agency na hanapin at mapabalik ang kung sino man ang manghimasok sa hustisya base sa prayoridad na ibinigay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Dagdag pa rito, nakipag-ugnayan ang DILG sa Department of Justice (DOJ), Department of Foreign Affairs (DFA), at ibang ahensya upang ligtas na mapauwi sa bansa si Teves.

Nagpapasalamat naman ang DILG sa gobyerno ng Timor-Leste sa pakipagtutulungan upang mapanagot ang mga lumalabag sa batas.

Facebook Comments