Manila, Philippines – Dinepensahan ang Palasyo ng Malacañang si Agriculture Secretary Manny Pinol matapos itong batikusin sa kanayang naging pahayag na dapat umanong gawin nalang legal ang smuggling ng bigas sa Mindanao partikular sa Zamboanga para mapababa ang presyo nito sa merkado.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, misquoted lamang si Pinol ng media sa usapin at ang tunay na rekomendasyon nito ay magtayo ng trading post sa Zamboanga kung saan maniningil ang pamahalaan ng buwis sa mga imported na bigas.
naniniwala din naman si Roque na ang bilang ng bigas na ipapasok sa Mindanao ay sapat para kinakailangan ng Zamboanga, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.
Naniniwala din naman si Roque na magnonormalize na ang sitwasyon ng bigas o ang Presyo nito sa merkado sa panahon ng anihan sa susunod na buwan.