Dingdong Dantes, ipinagtanggol ang misis na si Marian Rivera sa mga negatibong balitang inilalabas ng tabloid entertainment writer

Showbiz – Ipinagtanggol ngayon ni Dingdong Dantes ang asawang si Marian Rivera laban kay Ronnie Carrasco III.
Nagpost sa kanyang Facebook account ang aktor kaugnay sa isinulat ng tabloid entertainment writer na si Ronnie sa kolum nito noong October 19.
Ayon sa kolumnist, inirereklamo raw si Marian Rivera ng mga katrabaho nito sa GMA 7 dahil kapag wala ito sa mood ay nagpapa-pack up ito ng kanyang taping.
Tinawag na ‘malicious’ ni Dingdong ang balita dahil wala naman daw nagkukumpirma rito.
Ayon kay Dingdong ay pinapatawad niya si Ronnie dahil lahat ng tao ay nagkakamali pero hindi niya papayagang maabuso at mabastos ang pamilya niya lalo na’t lantarang iniinsulto ni Ronnie si Marian sa iba pa nitong articles.

Facebook Comments