Dinner invite ni P-Duterte kay VP Robredo, hindi dapat bigyan ng malisya – ayon kay Sen. Lacson

Manila, Philippines -Para kay Senator Panfilo Ping Lacson, hindi dapat lagyan ng malisya at motibo ang dinner invitation ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo.
 
Reaksyon ito ni Lacson sa pahayag ni Senator Antonio Trillanes na ang nasabing imbitasyon ay isang patibong na ang layunin ay disarmahan at i-neutralize si VP Leni.
 
Pero giit ni Lacson, maituturing itong goodwill ng pangulo para maplantsa ang gusot nila ni Robredo.
 
Dagdag pa ni Lacson, pwede rin gamitin ni VP Leni ang nasabing dinner para magbigay ng unsolicited advice o constructive criticisms sa pamamahala ni Pangulong Duterte.
 
Ikinatwiran pa ni Lacson na mas mainam na makitang nag uusap at magkasundo sa halip na nagbabangayan ang pangulo at pangalawang pangulo ng bansa.


Facebook Comments