Dinukot na Intelligence Officer ng PNP Ilagan, Ibinalik ng NPA sa Bahay ni Vice Mayor Villanueva!

Ilagan City, Isabela- Kasalukuyan parin ang ginagawang pagsisiyasat ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) kaugnay sa ibinalik na Intelligence Officer ng PNP Ilagan na si PO2 Danilo Maur matapos itong dukutin ng mga kasapi ng NPA kamakaylan.

Batay sa impormasyong nakalap ng RMN Cauayan, ibinalik umano ng isang babaeng kasapi ng NPA si PO2 Maur sa mismong bahay ni Vice Mayor Vedasto ā€œPidingā€ Villanueva kagabi lamang.

Sa ngayon ay nasa Isabela Police Provincial Office na si PO2 Maur at si Vice Mayor Villanueva para sa karagdagang pagsisiyasat kaugnay parin sa ilang araw na pagkakawala ng naturang pulis.


Abangan ang karagdagang detalye sa mga programa ng DWKD 98.5 Cauayan.

Facebook Comments