Director ng Pharmally na si si Lincoln Ong, pinalilipat na ng Senado sa Pasay City Jail; Mga opisyal ng Green Trends na pinagkukunan ng medical supplies ng korporasyon, pinaaaresto na!

Ipinag-utos na ng Senate Blue Ribbon Committee na ilipat sa Pasay City Jail si Lincoln Ong, Director ng Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Kasalukuyang hawak ng Senado si Ong matapos siyang i-ditine dahil sa pagsisinungaling sa mga tanong sa transaksiyon ng Pharmally sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM).

Lumutang din sa pagdinig ng Senado kahapon na walang katotohan ang address ng mga opisyal ng kompanyang Green Trends.


Ang Green Trends ang isa sa mga pinangalanan ni Ong na pinagkuhanan nila ng medical supplies para mai-deliver ang order ng PS-DBM.

Sa ngayon, ini-utos na rin ng komite na arestuhin ang mga ito at padaluhin sa susunod na hearing.

Kabilang sa mga pinadalhan ng subpoena ng Senado sina Raffy Barcina, Andres Aquino, Ryan Escano, Carlo Agustin, at Jayson Espino na mga opisyal ng Green Trends Trading.

Facebook Comments