Direk JP Laxamana, nagsalita na kaugnay ng Julia-Gerald issue

3682
Instagram/ JP Laxamana

Nagsalita na si Direktor Jason Paul “JP” Laxamana ukol sa isyu na kinasangkutan nila Julia Barretto at Gerald Anderson na “third party allegation.”


Matatandaan na kumalat ang “sweet photos” nila Julia at Gerald sa birthday party ng kaibigan na si Rayver Cruz kasabay ng Instagram post ni Bea Alonzo na “ENOUGH” na nag-trending sa social media ng ilang araw.

Si Direk Laxamana ang direktor ng ‘Between Maybes’, pelikulang pinagsamahan nila Julia at Gerald na shinoot sa Saga, Japan at ipinalabas nitong Mayo 15.

View this post on Instagram

Tell me the story of how you got lost. Either I tell you the way back, or I join you in your wander. @juliabarretto @andersongeraldjr #BetweenMaybes May 15

A post shared by Jason Paul Laxamana (@jplaxamana) on

Ayon sa panayam ng Philstar kay Laxamana, sinabi niyang sobra na ang batikos ng netizen sa dalawa kasama na ang memes at pati “sexual in nature” ni Julia.

“It’s just too much. If someone indeed committed a mistake, people are entitled to commit mistakes,” ani Laxamana.

Nilinaw din ni Laxamana na ayaw niyang masangkot sa isyu. Hindi niya rin daw tinext o tinawagan ang dalawa kaugnay ng alegasyon. Aniya, naniniwala siyang huhupa rin daw ito.

Wala pa namang opisyal na statement ang dalawa kaugnay ng isyu ngunit ni-like ni Gerald ang isang “misunderstanding” post ng fan habang nagbahagi si Julia ng screenshot ng text message ni Joshua Garcia.

Facebook Comments