DISAPPOINTED | Pro Sereno, dismayado sa naging desisyon ng mga Mahistrado ng Korte Suprema sa quo warranto case laban kay Sereno

Manila, Philippines – Minumura ng mga malulutong na masasakit na salita ang naging tugon ng mga taga suporta ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno matapos na magdesisyon ang mga Mahistrado sa boto na 8-6 pabor sa Quo Warranto case laban kay Sereno.

Iniisa-isa ng mga taga suporta ni Sereno ang pangalan ng pumapabor sa Quo Warranto kung saan malakas na sigaw na pagkutya ang kanilang isinisigaw habang palakpak naman sa 6 na Mahistrado ang kanilang ipinaabot sa pagboto tutol sa Quo Warranto case laban kay Sereno.

Halos lahat ng mga nagsasalita sa entablado sa kanto ng Taft at Padre Faura ay puro mura at masasakit na mga salita ang kanilang binibitiwan laban sa mga 8 Mahistrado na bumuto sa Quo Warranto case laban sa Punong Mahistrado.


Naniniwala ang mga taga suporta ni Sereno na unti-unti nang nawawala ang tiwala ng taongbayan sa Korte Suprema dahil sa mga desisyon ng 8 Mahistrado na pumapabor sa Quo Warranto.

Giit ng mga Pro Sereno hindi sila aalis sa Padre Faura at kapit bisig silang ipanawagan na magbitiw na sa kanilang tungkulin ang 8 Mahistrado na pumapabor sa Quo Warranto case laban kay Sereno.r

Facebook Comments