TINIYAK | Segregation, ipatutupad ni BuCor Chief Ronald dela Rosa sa mga drug lord sa Bilibid

Manila, Philippines – Magpapatupad ng segregation sa mga dayuhan at lokal na drug lords sa New Bilibid Prisons si Bureau of Corrections Director General Ronald dela Rosa.

Ayon kay dela Rosa, ibabalik niya sa Bldg. 14 ang drug lords.

Tiniyak din ni dela Rosa na agad siyang magpapatupad ng mga reporma sa NBP kahit na malaking problema ngayon ang kawalan ng budget sa BuCor.


Tiniyak naman.ni Justice Sec. Menardo Guevarra na isusulong niya ang mas mataas na budget ng BuCor para sa susunod na taon lalo nat mahigpit ang bilin ng Pangulong Duterte na bigyang prayoridad ang problema sa iligal na droga at terorismo
Si Dela Rosa ay pormal na nanumpa kanina kay Sec. Guevarra.

Facebook Comments