Disaster preparedness and response, paiigtingin ng MMDA at OCD

Pinaghahandaan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Office of Civil Defense (OCD) ang pagtutulungan ng dalawang ahensya hinggil sa agarang pagtugon tuwing may kalamidad.

Ito ang napagkasunduan ng dalawang ahensya matapos ang isinagawang courtesy call ni Undersecretary Raymundo Ferrer, administrator ng OCD at Romulo Cabantac, Regional Director, 12 OCD NCR at ilan pang opisyal ng MMDA kasama si MMDA acting Chairman Carlo Dimayuga III.

Pinag-usapan ng mga opisyal kung paano mas paiigtingin ang kanilang partnership lalo na sa disaster preparedness and response ng pamahalaan para sa anumang uri ng sakuna at kalamidad.


Binigyang diin naman ni Dimayuga ang kahalagahan ng paghahanda na susi para maging ligtas ang mga komunidad sa kabila ng banta ng mga kalamidad.

Natalakay rin ang ‘Third Quarter National Simultaneous Earthquake Drill’ ng OCD bukas September 8 at ang mga preparasyon para sa ‘MMDA Shake Drill’ na planong isagawa ng MMDA sa susunod na buwan.

Facebook Comments