Disbarment case laban kay Ombudsman Conchito Carpio-Morales, ibinasura ng Supreme Court

Manila, Philippines – Ibinasura ng Korte Suprema ang inihaing disbarment case laban kay Ombudsman Conchita Carpio Morales.

 

Kamakailan lamang, inakusahan ng reklamong paglabag sa Lawyer’s Oath at Code of Professional Responsibility ni dating Manila City Councilor Greco Belgica si Morales kasunod ng naging desisyon nitong ipawalang-sala si dating Pangulong Benigno Aquino III sa isyu ng Disbursement Acceleration Program (DAP).

 

Sa binasang resolusyon ni SC Spokesman Theodore Te, ibinasura ang reklamo dahil sa kakulangan ng merito.

 

Matatandaang nilinis ni Morales sina Aquino at dating budget Undersecretary Mario Relampagos sa mga kasong technical malversation, usurpation of legislative powers at graft.

 

Habang tanging si dating Budget Secretary Florencio Abad lamang ang hinatulang guilty. 



Facebook Comments