Disbursement ng SSS para sa death benefit claims, bumaba!

Bumaba ng halos 2.3% ang disbursement ng Social Security System (SSS) para sa kanilang death benefit claims.

Ayon kay SSS President at CEO Aurora Ignacio, nasa P54.65 bilyon lamang ang kanilang naabot para sa 1.05 milyon nitong miyembro.

Aniya, isa sa dahilan nito ay ang pagpapatupad ng mahigpit na quarantine protocols mula pa noong Marso 2020 at ang Alternative Working Arrangements (AWA) ng kanilang mga empleyado bilang pagsunod sa Civil Service Commission (CSC) guidelines na 50 hanggang 70% lamang ng mga empleyado ang maaaring pumasok sa opisina.


Facebook Comments