MANAOAG, PANGASINAN – Lingguhan nang ipinagpapatuloy ang pagdi-disinfect at declogging procedure sa pamilihang bayan sa Manaoag.
Ang Declogging at Disinfection activity ay isinasagawa ng mga kawani ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office kasama ang lokal na Bureau of Fire Protection sa palengke sa bayan upang labanan at maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi pa rin ng programa ng lokal na pamahalaan para sa kapakanan ng mga mamamayan dito laban sa nakahahawang sakit.
Tuwing araw ng Sabado ay isasara ang palengke upang bigyang-daan ang pagdidisinfect ng mga tindahan at stalls, at paglilinis din naman ng mga kanal o drainages dito.
Samantala, positibo naman ang pagtanggap ng mga residente rito sa layunin ng nabanggit na hakbang ng LGU.