Gagawing regular ng maintenance provider ng MRT-3
ang disinfection ng loob at labas ng tren kahit wala na ang banta ng pagkalat ng 2019-nCoV.
Magiging regular at pulidong nililinis ngayon ng mga tauhan ng Sumitomo-MHI-TESP, ang mga upuan, pinto, poste, at mga hawakan ng tren gamit ang disinfectant.
Tiniyak din ng MRT-3 management na may alcohol o hand sanitizer na magagamit ng mga pasahero.
Available ang mga ito sa mga ticket windows.
Habang may mga sabon naman sa loob ng mga restrooms na maaaring gamitin ng mga pasahero.
Paalala ng MRT-3 sa publiko,hindi sapat ang proactive measures na ito kaya magsuot pa rin ng face mask.
Facebook Comments