Diskwento sa grocery at food supplement para sa senior at PWDs, pinapadagdagan ng liderato ng Kamara

Pinapadagdagan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang diskwento sa grocery at food supplements ng mga senior citizens at persons with disabilities o PWDs.

Para kay Romualdez, hindi na akma sa mataas na gastusin sa panahon ngayon ang 5% na discount kada linggo sa mga senior citizen na hindi lalagpas sa P1,500 ang halaga ng pinamili o P65 lang na discount kada buong linggo.

Bunsod nito ay pupulungin ni Romualdez ang bubuuing Technical Working Group (TWG) na mag-aaral sa Senior Citizens Act para madetermina kung magkano ang dapat na diskwento para sa naturang mga sektor.


Tiniyak naman ni House Ways and Means Committee Chairman at Albay 2nd District Rep. Joey Salceda na kasama ang mungkahi ni Romualdez sa babalangkasin ng TWG sa mga darating na araw.

Naniniwala naman si United Senior Citizen Partylist Rep. Milagros Magsaysay na posible at madaling magawan ng paraan ang gustong mangyari ni Romualdez para sa kapakanan ng mga lolo at lola at may mga kapansanan.

Facebook Comments