PRO2, Pinasalamatan sa Patuloy na Pagbibigay ng Seguridad

Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City- Pinasalamatan ni Board Member Perla C. Tumaliuan ng 3rd District ng Cagayan ang mga kapulisan dahil sa kanilang patuloy na pagbibigay seguridad sa mga mamamayan sa kanyang naging talumpati kahapon, Abril bente tres taong kasalukuyan.

Sinabi pa ni Board Member Tumaliuan na malaki umano ang tiwala nila sa mga PNP kung saan ineenjoy umano ng mga Cagayeṅos ang kanilang kalayaan dahil alam nilang may mga kapulisan na nagbibigay proteksyon sa kanila.

Samantala, bilang parte ng naturang programa ay ginawaran naman ng Medalya ng Kagalingan sina Police Chief Inspector Emil Pajarillo ng Baggao Police Station, SPO3 Rommel Serrano ng Baggao Police Station, PCI Alexander Cabang, Diadi Police Station, Police Senior Inspector Joel Labasan ng Buguey Police Station.


Ginawaran din ng Medalya ng Kagalingan sina Police Senior Inspector Esem Galiza at PO1 Rose Annang ng Cauayan City Police Station at sina Police Chief Insp. Juancho Crisostomo at SPO3 Larry Mapalo ng Villaverde, Nueva Viscaya Police Station.

Pinuri naman ni PRO2 Regional Director Police Chief Superentendent Jose Mario M. Espino ang mga ginawaran ng medalya dahil sa kanilang ulirang malasakit sa taumbayan.

Facebook Comments