MANILA – Ipinauubaya na ni Senator Joel Villanueva sa kamay ni Senate President Koko Pimentel ang inihaing dismissal order ng Office of the Ombudsman laban sa kanya.Kaninang umaga nang ilabas ng Ombudsman ang kautusan para tanggalin sa puwesto ang mambabatas dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa pork barrel scam.Pero ayon kay Pimentel, kailangan munang tugunan ng anti-graft body ang inihaing Motion for Reconsideration ni Villanueva bago aksyunan ng Senado ang dismissal order laban ditoAniya, ikokonsulta rin muna niya ito sa rules committee ng Senado na pinangungunahan ni Senate Majority Leader Tito Sotto.Una nang nanindigan si Villanueva na wala siyang natanggap na kickback sa pork barrel scam na aniya’y napatunayan din sa initial findings ng National Bureau of Investigation (NBI).
Dismissal Order Ng Ombudsman, Ipinauubaya Na Ni Senator Villanueva Sa Kamay Ni Senate President Pimentel
Facebook Comments