MANILA – Posibleng pagbotohan ngayong araw ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang disqualification cases ni Senador Grace Poe.Ayon kay Poe, palagi niyang ipinagdarasal ang magiging resulta ng kanyang mga kaso at kumpiyansa siya sa kung ano ang magiging hatol ng kataas-taasang hukuman hinggil dito.Kasabay nito, lumabas rin ang report ng umanoy suhulan sa Korte Suprema Para idisqualify ang Senadora sa 2016 Presidential Election.Sa report ng dyaryong The Manila Times, dalawang beses umano sinuhulan ng tig 50 milyong piso ng malapit na kaibigan nina Pangulong Noynoy Aquino at Presidential Bet Mar Roxas ang mga mahistrado ng Korte Suprema.Ayon sa source, isa umanong “lady lawyer” na taga suporta ni Roxas ang nag-alok ng P50 million sa isang mahistrado na appointee ni PNoy para idisqualify ang senadora, pero tinanggihan ito.Dating opisyal ng Malakanyang ang sinasabing babaeng abogada, na nagtatrabaho na ngayon sa isang private law firm na nasa likod umano ng mga demolition job laban kay Senator Poe.
Disqualification Cases Ni Sen. Grace Poe, Pagbobotohan Na Ngayong Araw
Facebook Comments