
Ibinasura ng Commission on Elections o Comelec ang petisyong idiskwaliplika si Rep. Erwin Tulfo, na nanalong senador sa nakalipas na 2025 midterm elections.
Sa desisyon ng Comelec 2nd division, na-dismiss ang petisyon na inihain ng grupo ni Bertini Causing.
Ito’y dahil sa kabiguang makasunod sa mga kinakailangang dokumento na hinihingi ng Comelec.
Ang naturang petisyon ay batay sa nakalipas na hatol sa kasong libel kay Tulfo, at mga kumukwestyon sa kanyang citizenship.
Bukod dito, may iba pang petisyon laban sa nanalong senador kung saan tungkol naman ito sa isyu ng political dynasty ng pamilya Tulfo, na nakabinbin pa rin dahil sa motion for reconsideration ng petitioner.
Facebook Comments









