Senador, naniniwalang tatawid sa 20th Congress ang impeachment trial laban kay VP Sara

Sang-ayon si Senator Risa Hontiveros sa mga legal opinion na maaaring tumawid sa 20th Congress ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Hontiveros, iba ang impeachment process sa legislative process tulad ng mga pagdinig at pagpasa ng mga panukalang batas na sakaling matapos ang Kongreso na hindi naipapasa ay panibagong hain muli sa susunod na Kongreso.

Ang impeachment din aniya ay hindi rin tulad ng panukalang budget na kailangang matapos sa loob ng isang fiscal year at hindi rin isang resolusyon na iniimbestigahan.

Samantala, sa sinabi naman ni VP Duterte na gusto niya ng “bloodbath” o madugong impeachment trial, iginiit naman ni Hontiveros na inaasahan talaga niyang magiging matindi ang bakbakan sa mga ipiprisintang ebidensya.

Katunayan, excited na siya sa proseso dahil ito ang unang beses na gaganap siya bilang senator judge sa isang impeachment trial.

Facebook Comments