Distribusyon ng ECQ ayuda sa NCR Plus areas, umabot na sa 91% ayon sa DILG

Umabot na sa 91% ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) ayuda na naipamahagi sa mga lugar na nasa National Capital Region (NCR) Plus.

Ito’y katumbas ng P21.06 billion na ipinamigay sa mga low earner.

Umabot naman sa 37 na Local Government Unit (LGU) ang 100% nang tapos sa pamamahagi ng ayuda.


Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, ang 90% at kumakatawan sa mga ayuda na di pa nakukuha ng mga benepisyaryo.

May ilan kasing benepisyaryo ang hindi na natunton ng kahit pinuntahan na ang mga ito sa dati nilang tindahan kasi nag-uwian na sa kanilang probinsiya.

Dagdag ni Año, ito ay isang tagumpay para sa mga LGU at sa national government sa kabila ng hamon ng pamamahagi ng ayudang pinansyal sa harap ng pandemya.

Facebook Comments