Ilang celebrity moms, nanawagan ng tulong para sa naapektuhan ng sunog sa PGH

Ilang Pinay celebrity ang nanawagan ng tulong para sa mga pasyenteng naapektuhan ng sunog sa Philippine General Hospital nitong Linggo, May 16.

Kabilang sa kanila ang aktres na si Anne Curtis na maliban sa tulong na ipinaabot ng kaniyang grupong “DreamMachinePH” ay personal ding nagpaabot ng gabay sa mga naapektuhang indibidwal.

Maliban kay Anne, hinikayat din ng celebrity moms na sina Karla Estrada at Iya Villania ang publiko na magpaabot ng tulong para naman sa mga premature at maysakit na babies sa PGH.


Ibinahagi nila ang kinakailangan impormasyon para matulungan ang mga ito.

Sa ngayon, umabot na sa libo ang likes ng mga post na kumalat na rin sa social media.

Facebook Comments