Distribusyon ng Election Paraphernalias, Naging Maayos!

Cauayan City, Isabela – Nagsimula sa oras na alas otso kagabi hanggang kaninang madaling araw ang paghanda ng election paraphernalia at distribusyon dito sa Cauayan City. Ito ang naging pahayag ni Cauayan City Treasurer Carlito Andres sa panayam ng RMN Cauayan.

Aniya ang pagkuha ng election paraphernalias para sa bawat precincts ay sa pangunguna ng Board Election Inspectors o BEI’s kung saan isang chairman, isang poll clerk at member mula sa mga opisyal ng Comelec at mga guro.

Sinabi pa ni ginoong Andress na ang mga BEI’s ay may mga kasamang kapulisan sa pagdala ng mga election paraphernalias sa bawat voting place.


Paliwanag pa ni City Treasurer Andres na may kabuuang 238 cluster precincts ang buong Cauayan City kung saan naging maayos at matiwasay ang distribusyon na ginanap mismo sa F.L. Dy Collisium, Cauayan City.

Samantala umaasa si City Treasurer Andres na matatapos ng maaga ang pagboto ng mga cauayeños upang malaman din ng maaga ang mga nanalo sa Barangay at SK Election.

Facebook Comments