Distribusyon sa Vegetable Seedling ng mga Magsasaka sa Cagayan, Kumpleto na

Cauayan City, Isabela- Kumpleto na ang distribusyon ng vegetable seedlings sa 10 bayan at siyudad ng Cagayan noong nakaraang linggo matapos ang rehabilitasyon ng manalasa ang nagdaang bagyo sa probinsya.

Partikular na tinanggap ng mga magsasaka mula sa mga bayan ng Tuguegarao City, Lallo, Piat, Amulung, Solana, Tuao, Sto. Niño, Alcala, Lasam, Peñablanca, and Claveria.

Layong tulungan ang mga high value crop farmers upang muling makabangon sa epekto ng bagyo at ang malawakang pagbaha noong nakaraang taon.


Naglaan ang Department of Agriculture (DA) region 2 ng 12,250 packs na may kabuuang 237.82 kilograms sa nasabing bilang ng mga bayan.

Ayon kay Caril Albay,Regional HVCDP Coordinator, patuloy pa rin ang gagawing distribusyon sa iba pang bayan na apektado sa rehiyon.

Dagdag pa niya, hindi lang ito basta matulungang makabangon ang mga magsasaka kundi ang pagsuporta sa Gulayan sa Barangay ng Plant, Plant, Plant Program ng ahensya.

Ilan sa mga natanggap ng mga magsasaka ang lowland vegetable seeds gaya ng eggplant,kamatis, ampalaya, pechay, okra, sitaw, kalabasa at iba pa.

Facebook Comments