District Engineer ng 4th District ng Quezon City, pinagpapaliwanag ng kalihim ng DPWH

Dismayado at pinagpapaliwanag ni DPWH Secretary Mark Villar ang District Engineer ng 4th District ng Quezon City kaugnay sa paglulustay ng 27 milyong piso sa isang proyekto na hindi na kailangan at ginawa sa Quezon City dalawang taon pa lang ang nakalilipas.

Sa ginanap na Forum sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Villar na pinag-aaralan na niya ang sulat ni Linggoy Alcuaz na nakarating sa kaniya at kapag napatunayan na walang saysay ang paglulustay ng pera ng bayan ay dapat itigil na ang naturang proyekto.

Matatandaan na sinisira na ang unang kalsada sa Barangay Mariana New Manila kung saan 4 na maiksing kalsada ang planong sisirain ulit na may lawak na 200 meters bawat isang kalsada.


Ikinadismaya ito ni Linggoy Alcuaz na residente ng Barangay Mariana New Manila dahil ang mga lansangan sa Betty Go Belmonte na binabaha ay hindi masolusyunan ng DPWH at  QC Government na dapat sana nilang tutukan.

Facebook Comments