Full scale exercise para masukat ang kakayahan ng bansa na tumugon sa Chemical, Biological, Radiological at Nuclear, isasagawa sa Maynila

Magsasagawa ng full scale exercise ngayong araw ang Defenae Threat Reduction Agency katuwang ang Bureau of Fire Protection, PNP, Philippine Army at iba pang ahensiya ng gobyerno.

Ang aktibidad ay gagawin sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila kabilang ang Lungsod ng Maynila.

Kabilang sa mga lugar kung saan gagawin ang aktibidad ay sa Kimberly Hotel sa Malate Manila, PGH, UP Manila, gusali ng Amazing show sa CCP Complex at Makati Fire Station.


Layon ng aktibidad na masukat ang kakayahan ng bansa sa pagtugon sa mga Chemical, Biological, Radiological at Nuclear Incidents.

Kaugnay nito, nagpadala na ng abiso ang BFP National Headquarters sa tanggapan ni Manila Mayor Isko Moreno para matiyak na hindi magdudulot ng kalituhan o panic sa publiko ang naturang aktibidad.

Facebook Comments