Maanghang ang naging pahayag ng radio jockey na si DJ Chacha o Czarina Balba tungkol sa sinabi ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na handa siyang mamatay para kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa tweet ng radio personality, hinamon niya si dela Rosa na magbitiw bilang senador at mag-apply na lamang na bodyguard ni PRRD dahil nasa Commander-in-Chief ang loyalty nito at wala sa taumbayan.
I suggest mag-resign na dapat si Senator Bato sa pagiging senador at mag-apply na Bodyguard ng Presidente tutal naman ang loyalty niya ay sa Pangulo at hindi sa taong bayan.
— DJ Chacha (@mor1019chacha) February 18, 2020
Aniya, tila mas mahal ng mambabatas si Duterte kumpara sa misis bunsod ng “pangako hanggang kamatayan”.
Naniniwala akong mas mahal ni Bato ang Pangulo kaysa sa asawa niya. Nangako pa hanggang kamatayan! Taray! IBA. #itopoangbinotoniyo
— DJ Chacha (@mor1019chacha) February 18, 2020
“Yan ang mahirap kapag mahilig kayong bumoto ng mga politikong PUPPET ang role sa gobyerno. Wag kang umasa na marunong silang tumayo at ipaglaban ang tama kase nagfufunction ang utak nila alinsunod sa pinuno nila,” hirit pa ni DJ Chacha.
Nitong Martes, sinabi ni dela Rosa na mabubuhay at mamamatay siya para sa Presidente at aminadong “bias” sa pinakamataas na opisyal matapos tanungin kaugnay sa franchise renewal ng ABS-CBN.
Ayon pa sa senador, mas mahalaga ang kapakanan ng mamamayang “sinamantala ng kompanya” kaysa sa 11,000 empleyado ng istasyon na maaring maapektuhan kapag napaso na ang prangkisa sa Marso 30.
“Kung mabigat ‘yung akusasyon na talagang maraming violation ang ABS, bakit mo pa i re-renew. Sinamanlala nang husto ng ABS-CBN ang sambayanang Pilipino, bakit n’yo pa i-renew?” tugon ni dela Rosa sa mga mamamahayag.