DMW, aminadong hindi pa rin plantsado ang OFW pass app

Inanunsyo ng Department of Migrant Workers (DMW) na ang DMW Mobile App at Overseas Filipino Workers (OFW) Pass ay nasa proseso pa rin ng Pilot test run.

Bagama’t maaari na anilang mai-download ang mobile app, ito ay hindi pa fully operational at dumadaan pa rin sa mga pagbabago at technical improvements.

Umapela naman sa OFW at sa publiko ang DMW na ipagbigay alam sa kanila ang ano mang feedback at suhestiyon habang ongoing ang pilot test run.


Pinapayuhan din ang OFW na nangangailangan ng agarang OFW Pass, na makipag-ugnayan sa OFW Pass Contact Center sa email na ito: ofwpass@dmw.gov.ph o kaya’y tumawag sa mga sumusunod na numero:

+63 908 326 9344
+63 927 147 8186
+63 920 517 1059

Facebook Comments