DMW, nagbabala sa publiko kaugnay ng language training centers na nagre-recruit ng OFWs

Nagbabala ang Department of Migrant Workers (DMW) na huwag tangkilikin ang Japanese Language Training Centers na nag-aalok ng trabaho sa Japan.

Ayon sa DMW, hindi awtorisado ang language training centers na mag-recruit ng trabaho sa abroad.

ilinaw rin ni Migrant Workers Officer-in-Charge Bernard Olalia na ang language training ay dapat lamang sinisimulan ng Pinoy workers kapag sila ay dumaan na sa selection at pre-qualification processes ng Japanese employers.


Hindi rin aniya dapat sagutin ng aplikante ang gastusin sa training at sa halip ang employers ang dapat na magbalikat nito.

Nilinaw din ni Olalia na ang language training fees ng aplikante ay dapat sagutin ng employers.

Habang ang gastusin sa Specified Skilled Worker (SSW) program ay nasa pag-uusap na ng employer at ng aplikante.

Una nang ipinasara ng DMW ang isang language training center na nagre-recruit ng Pinoy workers patungong Japan.

Facebook Comments