Mga commissioner ng Comelec, kumpleto na

Buo na ang anim na Commissioners ng Commission on Elections (Comelec) na tututok sa paghahanda sa nalalapit na 2025 Midterm Elections.

Kasunod ito ng panunumpa sa tungkulin ni Atty. Noli Rafol Pipo bilang kapalit nang nagretirong si Commissioner Marlon Casquejo.

Si Pipo ay huling naglingkod bilang Regional Director ng Comelec sa Ilocos Region at magiging bagong miyembro ng 2nd Division ng poll body.


Sa kanyang talumpati, nagpasalamat si Commissioner Pipo kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. at Chairman George Erwin Garcia sa oportunidad na ibinigay.

Katulad ng bagong talagang Commissioner Maria Norina Casingal, maglilingkod si Pipo hanggang sa taong 2032 nase sa magiging kumpirmasyon ng Commission of Appointments.

Facebook Comments