
Umapela si Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., sa mga magsasaka at trader ng sibuyas na kaagad na dalhin sa mga palengke ang mga unang bugso ng ani.
Ito ang pahayag ni Secretary Laurel matapos na mag-inspeksyon sa Commonwealth Market kasama ang mga opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI).
Napansin ng kalihim na mataas pa rin ang presyo ng sibuyas na umaabot sa P170 kada kilo pero sa isang stall ay P60 ang tinitinda.
Ayon kay Secretary Laurel, sa palengke dapat idiretso ang mga bagong aning sibuyas upang mabili na ito ng publiko.
Huwag na muna aniyang dalhin sa storage ang bagong aning mga sibuyas dahil baka hindi bumaba ang presyo kahit anihan na.
Maglalagay lang aniya sa storage kapag masyado nang marami ang bilang mga naaning sibuyas o dagsa na ang ani.